Wednesday, August 18, 2010

Layunin ko na ibahagi ang kaalaman sa iba't ibang uri ng "Seminarista", kanilang pagkakakilanlan at pagkakaiba-iba. Nais kong ipabatid na hindi basta tinawag na Seminarista ay iisang klase lamang.
Nakapagsaliksik ako ng 10 uri nito na may iba't ibang taglay na kakayahan at katangian.

CLARENIANS - pangkat ng mga seminarista na isinunod sa pangalan ni Sta.Clara ng Assisi.Siya ay isa sa mga dakilang alagad ng Panginoon na lubos ang pananalig,pagtitiwala at pananampalataya sa banal na katawan at dugo ni Hesus (Ang Banal na Sakramento) Inilaan niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa higit na nangangailangan,tinalikuran niya ang sangkabang yaman sa mundong ito upang sumunod sa tawag ng Panginoon at mabuhay sa kabanalan na higit na kalugod-lugod sa mata ng dakilang manlilikha.
    Matindi ang meditasyon sa sarili ng pangkat na ito at kadalasang inilalaan ang sarili sa pananalangin ng mga kaluluwa at iba pang intensyon mula sa iba't ibang tao. Araw-araw may liham na dumarating sa seminaryo pawang mga panalangin ng kahilingan ang nilalaman nito kung kaya't ang mga rektor ay ibinibigay ang gampanin ng pananalangin sa kamay ng mga clarenians. Madalas silang matatagpuan sa meditation room kung saan tanging ang banal na Krus lamang ang kanilang kaharap habang nananalangin.
    Naniniwala sila sa katagang "Ang layunin ng tao ay ang makita ang Diyos". Para sa kanila ito ay pinakadakila at banal na layunin sa lahat ng layunin sa mundong ito. Para sa mga taong walang diyos ito ay pawang kalokohan lamang at isang katawa-tawang bagay,subalit sa pananaw ng pangkat na ito maituturing na sagradong batas sa kanilang buhay ang mga katagang ito hanggang sa kahulihulihang sandali ng kanilang buhay.
    Ang mga Clarenians ay walang kahilig-hilig sa fashion at walang taste sa pagporma.Pinangangatawanan nila ang pagiging simple. Ang hilig nilang gawin sa kanilang libreng oras ay ang pamamalagi sa kwarto. Madalas silang natutulog na may rosaryo o di kaya'y nakakatulog sa pagdarasal na may hawak na rosaryo. Sa kabila nito,tinutukso sila ng mga gabrielians at pinagpapantasyahan ng mga peternians ng palihim,pawang mga indangered species na ang pangkat na ito sa panahong ito.
   Sa pangkat na ito sumisibol ang mga monghe ng simbahan na inilalaan ang bawat sandali ng kanilang buhay sa pananalangin para sa kaligtasan at kapayapaan ng buong mundo.

LONGINUSIANS - ito ay ang mga seminaristang may pananaw na "too se is to believe", kinakailangan nila nang kongkretong pagpapatunay lalo na kapag nakikipagdebate ka sa kanila. Taglay ng pangkat na ito ang kahusayan sa pakikipagtalastasan, sila ang matinding karibal ng mga archanians pagdating sa debate. Sila ang mga tipo ng seminarista na maikli ang pasensya sa mga pilosopong tao at madalas silang napapatawag para sa emotional test sa guidance. Ang palatandaan sa kanila ay ang madalasang walk-out pagnapipikon, subalit sa kabila ng kanilang pag-uugali marunong silang humingi ng paumanhin sa oras na mahimasmasan,tulad ni San Longinus na nag-alinlangan sa katauhan ng Panginoon sa kalbaryo ng paghihirap,siya ang senturyon na umulos sa tagiliran ng Panginoon matapos ang paghihirap habang nakabayubay ito sa krus,bandang huli nasabi niya na "tunay ngang anak ng Diyos ang taong ito". Marunong silang umamin ng pagkakamali sa pangkat na ito sumibol ang mga nagiging Aglipayan Priest.

 ARCHANIANS
- ang pangkat na ito ay madalas makasagutan sa debate ng mga longinus. Sila ang mga tipo ng seminaristang may matinding paninindigan sa maraming bagay,kaya nilang pangatawanan ang kanilang sinasabi. Taglay nila ang katapangan at tibay ng kalooban,tulad ni Sta.Juana ng Arko. Ipinanganak si Juana sa bayan ng Domrémy (ngayo'y Domrémy-la-Pucelle, o Domremy ng Dalagita), Pransya noong Enero 6 o 16, 1412. Noong bata pa siya, naririnig na niya ang mga boses nina San Miguel Arkanghel, Sta. Katrina, at Sta. Margaret, at isinabi nang mga ito na ipagtanggol niya ang Pransiya mula sa pananakop ng mga Ingles. Sinundan niya ang utos ng mga tinig at nagbihis lalaki siya't sumapi sa Sandatahang Real ng Pransya.
    Isa sa mga himalang nagawa niya ay kilalalin si Carlos, ang Dauphin (pagbigkas: DOfan) o prinsipe ng Pransya na naging si haring Carlos VII. Sa isang okasyon, sa halip ng pagbihis ni Carlos sa karaniwan niyang mga damit bilang Dauphin ay nagdamit siya ng pangkaraniwang tao at nakipag-halubilo siya sa maraming tao. Kaagad-agad siyang nabuking ni Juana, at inalay ng dalagita ang kaniyang mga serbisyong pansandatahan sa Dauphin. Sa gulang na 17 taon,naging pinuno siya ng Sandatahang Real ng Pransya at matagumpay na iniligtas ang lungsod ng Orleans mula sa mga Ingles.
   Mahigpit silang kritiko pagdating sa paperworks, workshop at reflective writings. Sa kabila ng napakaseryosong pagmumuka,napakapintasero nila. Sa pangkat na ito umuusbong ang mga paring nagkakainteres na magmilitar at nagiging tagapagtanggol ng bayan.

THOMASIANS - tinaguriang Harry Potter ng seminaryo, nabibilang sila sa pangkat ng mga matatalino, mataas ang kanilang confidence level pagdating sa academic performance. Mahilig silang magmemorya ng mga aral nang simbahan lalo na sa teolohiya. Sila ang madalas ipanglaban sa quizbee at kadalasang nag-uuwi ng gintong medalya.
   Madalas din silang nabibigyan ng mga incentives at special treatment dahil na din sa kanilang abilidad. Tulad ni Sto. Tomas Aquino - tanyag siya bilang klasikal na tagapagtanggol ng likas na teolohiya at kabilang sa tatlumpu't-tatlong doktor ng simbahan. Ibabahagi lamang namin ang tatlong uri ng karunungan , una ang karunungan ay tuloy-tuloy at walang patid o hangganan, ikalawa ang karunungan ay kailangan  na kapakipakinabang hindi dapat ito gamitin sa kasakiman,kasamaan at mga bagay na pansarili lamang , ikatlo  ang karunungan ay may limitasyon, ang pagbibigay ng oras para sa sarili at sa iba pang bagay  na mahalaga, mas masarap na magtuon nang panahon sa higit na kapakipakinabang. Iginugugol nila ang sarili sa pagbabasa at pag-aaral ng mga katekismo sa simbahan. Mahina sila sa mga outdoor activity at kulelat pagdating sa palakasan. Mahirap silang makasundo pagdating sa mga group projects at activities dahil nakasanayan na nila ang gumawa mag-isa. Sa pangkat na ito sumisibol ang mga rektor at lokal na opisyal ng simbahan.

PETERNIANS - ang mga seminaristang 50:50 sa maraming bagay, madalas silang sumagot ng ewan at pwede. Sila yung mga "Great Pretender" kung tawagin dahil astang lalaki ang moda nila,banidoso at maingat sa face, subalit sa kabila ng lahat ikinunukubli nila ang sarili sa katotohanan na sila'y mga pamintang durog lamang. Hate na hate nila ang awiting "This guys in love with you pare,bading na bading sayo!". Madalas nilang pantasyahin at paglawayan sa kanilang imahinasyon ang mga clarenians. Isinunod ang pangalan nila kay pedro dahil sa ginawang pagtatatwa nito sa Panginoon, tulad ng karaniwang ginagawa ng mga peternians sa kanilang sarili. Sa una limitado lamang ang kanilang kilos at galaw dahil takot sila sa diskriminasyon,subalit kalaunan dahil na din sa pilosopiya napipilitan silang ipakita kung anu ang kanilang tunay na pagkatao. Masakit man subalit dalawa lamang ang kinapupuntahan ng mga peternians una: eviction case to case basis, pangalawa: voluntary exit sa seminaryo. Bihira lamang ang mga nagiging pari sa pangkat na ito.

MICHAELIANS - ang personal assistance (pwede ding personal alalay) ng mga pari. Ang michaelians ang tipo ng seminaristang walang maitatagong lihim isa man,sila ang kaututang dila ng mga gabrielians,madalas silang wala sa seminaryo lalo na kung madaming outside appointment ang mga pari. Maaari din silang bansagan ng "seminaristang gala". Masuwerte ang mga nabibilang sa pangkat na ito sapagkat palagi silang libre sa lahat ng bagay, kadalasan silang suki ng excuse slip,sila ang mga seminaristang nagiging pari na mahilig mag travel and tour sa iba't ibang dako ng mundo. Isinunod and pangalan ng pangkat na ito sa Arkanghel Miguel dahil sa kanilang taglay na katapatan at pagiging huwaran sa paglilingkod sa kanilang mga pinuno, tulad ni Miguel naglingkod siya sa panig nang langit hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay magapi lamang ang hari ng kapalaluan na si satanas.
   Madali mong makikilala ang mga michaelians madalas silang may bitbit na handy bag. Mabilis ang lakad habang sumusunod sila sa kanilang master. Favorite motto nila "walang makapaglilingkod ng sabay sa dalawang Panginoon", tapat sila at stick to one lang sa kanilang paglilingkod.

GABRIELIANS - John Lapus at Boy Abunda ng seminaryo dahil sa kanilang matalak na bunganga at malamyang boses, tinaguriang chikadora, mahilig silang mang-intriga at gumawa ng kwento,sila ang dapat iwasan subalit kung gusto mo silang makasundo dapat maki ride-on ka sa kanilang mga sinasabi at kinukwento.
   Iritable sila sa mga tahimik at seryosong tao, madalas na napagiinitan nila at napagtitripan ang mga Clarenians. Isinunod ang pangalan ng pangkat na ito sa Anghel Gabriel na tinaguriang mensahero o tagapagdala ng balita. Ang mga Gabrielians ang mga tipo ng seminarista na seloso,inggitero at malakas mang impluwensya sa iba. Mahirap silang kaaway dahil sa kanilang maruming taktika ng paninirang puri. Kalapitang loob nila ang mga michaelians, madalas silang makipagmataasan ng ihi sa mga kauri nilang silahis. Sila ang mga mapang asam ng titulo sa seminaryo at ginagawa lahat masunod lamang ang layaw.

CATHERINIANS - kapayapaan at kabutihan ang kanilang pananaw sa buhay yan ang hatid nila sa kapwa seminarista. Ayaw nila ng gulo, kalmado, mapagbigay at maunawain ang pangkat na ito, sila ay neutral sa lahat ng bagay wala silang kinikilingan, mahusay silang makitungo sa karamihan.
   Sila ang madalas na pumapagitan sa mga away at nagiging tulay para mapagkasunduan ang dalawang partidong hindi magkaunawaan, tulad ni Sta Catalina ng Siena - pinagkasundo niya ang santo papa ng roma at ang santo papa ng europa nung kasagsagan ng hidwaan at kadiliman ng simbahang romano katoliko, nais nilang pagkaisahin ang bawat mananampalataya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting ugnayan at isang pamunuan. Sila ay madalas matagpuan sa silid aklatan kung saan mahilig silang magbasa ng Time magazine, Reader's Digest at Religious Arcticle for peace and order.
   Sa pangkat na ito sumisibol ang mga spiritual adviser na nagiging tagapayo ng mga may pangalang angkan sa lipunan at takbuhan ng mga bigong puso.

RAPHAELIANS - medical team ng seminaryo, eksperto sila pagdating sa mga first aid activities at madalas mamuno sa mga scouting. Ang karaniwang laman ng kanilang bag ay medical kit, sila ay paliging in-charge sa medical booth pag intramurals day, ang nabibilang dito ay kadalasang second courser na lamang mula sa medical field. Madalas silang makikita sa clinic. Isinunod ang pangalan ng pangkat na ito sa Anghel raphael na tinaguriang tagapaghilom at tagapagpagaling ng Diyos.
   Tinaguriang silang "Comforter of the afflicted at health of the sick". Tahimik, mabait at maliksing kumilos ang mga ito especially sa mga emergency cases. Ang mga paring sumisibol sa pangkat na ito ay karaniwang nagiging Red Cross Volunteer o kaya nama'y nagiging miyembro ng mga non-government organization. Ang kanilang pananaw sa buhay ay ang "maglingkod ng walang hinihintay na kapalit."

CECILIANS - pinagpala sila ng natatanging kakayahan sa larangan ng musika, ang boses ng mga seminaristang ito ay talaga namang kaakit-akit at katawag pansin. Masarap ka jamming ang mga Cecilians sa mga awiting pang simbahan tulad ng Papuri, Banyuhay, Kristo at iba pa. Mahusay silang lumikha ng mga awiting patungkol sa Panginoon at sa kanilang pag-awit naipapahayag ang kanilang saloobin at panalangin.
   Madali mo silang makikilala, madalas may dala silang gitara, may hawak na musical book at kadalasang mag-isang umaawit. Hilig nilang magpalipas ng oras sa grotto at garden ng seminaryo, gusto nila ang payapang kapaligiran kung saan huni lamang ng ibon at ihip ng hangin ang kanilang maririnig habang sumusulat ng awitin sa notebook. Biniyayaan sila ng husay sa pag awit at pag tugtog tulad ni Sta. Cecilia - isang birhen at martir ng simbahan dahil sa kanyang pananalig at maimpluwensiyang boses na nakapagbalik loob sa maraming makasalanan. Ang mga Cecilian ay ginagamit ang kanilang boses upang mapalawig ang kanilang pananamlampalataya, maipakita ang kanilang damdamin at makapanghikayat ng mga mananampalataya.
  Sa pangkat na ito madalas sumisikat ang mga paring nagkakaroon ng music album at nagkakaroon ng mga concert for a cause tulad ng mga heswita na mayroong album na pinamagatang Awit Heswita Volume 1-9.

nais kong ibahagi sa mambabasa ang aking nasaliksik na kwento ng buhay nang ilang kabataang seminarista.
Sa pananaw ng isang seminarista
ni Hector Christian D. La Victoria

NAGULANTANG ang buong mundo sa kumakalat na kuwento ng mga pari na sumuway sa kanilang pangako noong sila’y ordenahan, na mamuhay nang malaya sa tawag ng laman. Sa ibang bansa, patok sa balita ang mga pari at obispo na nasasangkot sa kasong pedophilia. Katunayan, isang diyosesis ang muntik nang maubusan ng pera dahil sa laki ng ibinayad nila sa korte bilang damyos sa mga naging biktima ng kanilang mga pari.

Sa Pilipinas, matunog pa rin ang usapin tungkol sa mga paring nagkaroon ng bawal na relasyon, na kadalasan ay nagbubunga. Napabalita ang isang kumbento na ginawang taguan ng mga babaeng nabuntis ng mga pari. May karamihan din ang lumantad upang ibahagi ang kanilang mga kuwento ng mga lihim na pag-iibigan sa mga alagad ng simbahan.

Ang usaping ito ay nagdulot ng mga samu’t saring opinyon. Nariyan ang panawagan na payagan na ng Simbahan ang kaparian na tumanggap ng sakramento ng kasal. Sabi ng ilan, isang porsyento lamang daw ng buong kaparian ang tumiwalag sa kanilang sinumpaang pangako noong sila ay inordenahan. Hindi raw nararapat na gamiting argumento ang kamalian ng mangilan-ilang pari upang payagan ang buong kaparian na magkaroon ng sariling asawa at anak.

Tao rin ang mga pari. Sa tagal ng pagtira ko sa seminaryo, marami na ring mga pari ang nakasalamuha ko. Nakita ko kung paano sila magalit dahil sa mga maliit na bagay, tumawa nang pagkalakas-lakas, gumawa ng mga kalokohang hindi mo akalaing magagawa nila. Sa pagiging tapat nila sa kanilang sarili, lalong tumibay ang hangarin kong magtiiis at magpatuloy. Doon ko napatunayang hindi ko pala kailangang talikuran ang aking pagkatao, tanggapin lamang ako ng simbahan.

Datapwa’t ang mga pari ay tinawag sa kakaiba at natatanging pagsisilbi, nawa’y hindi natin kalimutan na sila ay nilalang din na may pusong nasasaktan. Mahirap umiwas sa mga tukso ng mundo. Hindi sapat ang tagal nila sa seminaryo upang mamuhay silang tila santo. Sa hirap ng kanilang trabaho, hindi nila maiwasang dumanas ng kalungkutan. At sa kanilang karupukan, hindi nila namalayang nagkakasala na pala sila.

Sa aming lugar, marami na ring umalis sa kaparian upang gampanan ang tungkulin ng isang padre de pamilya. Mangilan-ilan din ang patuloy na kumakapit sa kanilang mga sotana, namumuhay sa dalawang pagkatao: siya ay pari sa kanyang kongregasyon at tatay sa kanyang asawa’t anak.

Ang mainit na tanong ngayon ay kung ano ang gagawin ng simbahan sa problemang ito. Noong kabataan pa ng Simbahan, hindi sila naging mahigpit sa pagbabawal ng pagpapamilya ng isang pari. Kahit noong naging mahigpit na ang doktrina ng simbahan laban sa pagkakaroon ng pamilya ng isang pari, puno pa rin ang ating kasaysayan ng mga Padre Damaso.

Ngayon na ba ang tamang oras upang baguhin ng simbahan ang posisyon nito ukol sa tinatawag na mandatory celibacy?

Nararapat nang gumalaw ang simbahan upang ayusin ang gulong ito. Kailangan din ng simbahan na mamangka sa pabago-bagong agos ng panahon. Subalit handa ba tayong tanggapin ang mga pagbabagong ito?

Ang kapariang Katoliko ay tunay na naiiba sa mga pari at pastor sa ibang denominasyon. Matagal ang panahon na inilagi nila sa seminaryo, panahon na ginugol upang ihanda sila sa mga kakaibang buhay ng isang pari. Hindi lamang sila nagmimisa, nagbibinyag, o nangangaral. Laan sa simbahan, sa mga tao, sa lahat ng mga nangangailangan ng kanilang mga tulong ang kanilang buong oras at atensyon.

Sa madaling salita, hindi ganoon kasimple kung papayagan ang mga pari na makapag-asawa. Isang malaking pagbabago rin ang magaganap sa konsepto at diwa ng buong kaparian.

Isang halimbawa ay ang pangungumpisal. Batid nating ang kumpisal ay isang sagradong sakramento. Inaanyayahan tayong mangumpisal sa pangakong lahat ng mga nangyari at nasabi sa loob ng kumpisalan ay hindi na malalaman ng iba, maski ang batas. Kung pamilyado ang isang pari, di maiwasang ilahad niya lahat ang kanyang mga saloobin at nalalaman sa kanyang asawa. Paano na ngayon si Juan na nangumpisal, na umaasang mananatiling lihim ang pagkakamaling nagawa niya?

Hindi permanente ang isang pari sa lugar o posisyon na kanyang pinagsisilbihan. Ibig sabihin, kailangan niyang sundin kung ano at saan mang tungkulin ang ibibigay sa kanya ng kanyang obispo o superior. Sa aming diyosesis, kadalimang taon ay nagpapalit-palit ang mga pari sa kanilang mga gawain at posisyon, mapa-parokya man, seminaryo, paaralan o opisina.

Kung papayagan silang magkaroon ng pamilya, hindi ba ito magsisilbing pabigat sa mga tungkulin nila sa mga parokyano? Sino kaya ang dapat niyang unahin, ang pamilya o ang mga parokyano?

Bata pa lamang akong seminarista. Hindi ko pa lubos maipagmamalaki na kaya kong unawain ang mga pagsubok na bumabalot sa simbahang pinapangarap kong pagsilbihan bilang pari. Ang sa akin ay isang pananaw ng isang seminarista na tuliro rin sa mga iskandalong yumayanig sa Simbahan. Hindi naging madali para sa amin na isipin na ang simbahang sinumpaan naming pagsisilbihan ay hindi rin nakakaiwas sa mga ganitong problema.

Oo nga’t ngayon na ang tamang pagkakataon na gumawa ang Simbahan ng kaukulang hakbang upang lutasin ang naturang suliranin. Kailangan nilang bigyang pansin ang mga bagay-bagay na hinihingi ng kasalukuyang panahon. Maaring ito ay radikal sa iba, halintulad sa pag-aalis ng wikang Latin sa Banal na Misa noong Vatican Council II. Handa na ba tayong tanggapin lahat ng mga ito? Handa na ba tayong talikuran ang isang disiplina na nagpatibay sa ating Simbahan? O magtatago na lang ba tayo sa pader ng takot at pangamba at pabayaan na lamang ang mga sakit na ito na dungisan ang ating Simbahan?
Buhay kabataan tungo sa landas ng kabanalan
Mark Anthony A. Yamat

Taliwas sa aking pag-uugali ang nais kong tahaking landas. Alam ng lahat yan. Isa akong makulit na bata. Maingay. Sinungaling. Makasalanan. Lahat ng kabaligtaran ng daan na nais ko, nasa akin nga siguro. Pero sa ilalim nito, nagtatago ang isang liwanag. Liwanag na siyang patuloy kong sinusundan, sinusunod at iginagalang.

Gusto kong maging pari. Alam ng lahat yan. Maliit pa lamang ako, pangarap ko na iyon. Nariyang isuot ko ang kumot at magkilos pari. Hindi ako nakuntento doon. Nariyan ang panahon na sa sobrang pagnanais ko na maging pari, hinanap ko sa internet ang lahat ng tungkol dito. Pumasok din ako sa samahang Altar Servers para mas makita ko ng malapitan kung ano nga ba ng ginagawa nila. Sobra akong tinangay ng aking pagnanais na kunin ang bokasyong tingin ng iba ay di bagay sa akin.

Dumadating rin minsan ang mga panahon na sa sobrang pagkatangay ko sa bokasyong ito, nawawala sa aking isipan ang tunay na kahulugan ng pagpapari. Dumadating ang oras na hindi ko man lang Siya iniisip. Natatangay ako ng panlabas na anyo ng pagpapari. Nawawala minsan ang tunay na kahulugan.

May mga panahon din na naguguluhan ako kung saang Order ako bibilang. Nariyang kausapin ko ang mga paring Agustino dito sa lumang simbahan. May pagkakataon na ding nakausap ko ang isang paring misyonero at isang Pransiskano nung ako ay nasa Japan. May nakausap na din akong paring Heswita. Marami ring paring Diyosesano o Diocesan na akong nakausap. Naguguluhan ako noon.

Marahil sa paglipas ng panahon, natututo tayo.  Sa aking palagay, sigurado na ako sa aking tatahaking landas. Itutuloy ko na ito. Wala nang atrasan. Maraming tao ang umaasa sa akin. Maraming naghihintay. Nawa’y hindi ko sila mabigo.